Hindi na ‘compulsory’ ang pagsusuot ng face mask sa mga lugar na well-ventilated at open spaces sa Cebu province.
Ito ay matapos maglabas ng executive order si Cebu Governor Gwen Garcia kung saan nakasaad na ang pagsusuot ng face mask ay mandatory lamang sa mga sarado at air-conditioned na lugar, gayundin sa mga taong nagpapakita ng sintomas ng COVID-19.

Nakalagay din sa naturang EO na ang mga taong masama ang pakiramdam at may sintomas ng COVID-19 tulad ng lagnat, ubo, o runny nose, ay kinakailangang magsuot ng mask sa lahat ng oras kapag sila ay umalis sa kanilang mga tahanan.
Lubos naman hinihikayat ang mga tao na ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask sa mga mataong lugar sa labas.
Ang naturang kautusan ay magiging epektibo sa lalong madaling panahon sa kabila na ang Cebu ay nasa ilalim ng Alert level 2.