Tinukoy ngayon ang Pilipinas bilang “high risk” para sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang risk classification ay batay sa two-week growth rate at ang average daily attack rate (ADAR).
Dagdag ni Vergeire, ang bilang sa kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa ay tumaas sa average na 8,695 mula August 1 hanggang 7, kumpara sa 2,197 infections na naitala mula July 25 hanggang 31.
Samantala, ang ADAR — o ang average daily number ng infected people per 100,000 population — ay 7.20 sa unang linggo ng Agusto.
Kabilang sa mga tinukoy na lugar bilang high risk ay ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Central Visayas, at Northern Mindanao.
