BSP, ‘di magpapatupad ng grace period sa pagbabayad ng utang ngayong ECQ

Walang ipapatupad na moratorium o grace period ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pagbabayad ng utang ngayong umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Sa kabila nito, sinabi ng BSP na maaaring makipag-usap sa bangko ang mga kliyenteng may utang sa mga mapagkakasunduang financial relief.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Hinimok naman ng BSP ang mga financial institutions na i-renew o palawigin ang termino ng pagbabayad ng utang ng kanilang mga kliyente.

Read More:  Lacson rejects alleged ₱5 million TESDA fund offer from Secretary Benitez

Samantala, nagpatupad din ang BSP ng mga hakbang na makatutulong sa mga financial institution na maipagpatuloy ang kanilang serbisyo at masuportahan ang mga negosyo sa kabila ng pandemya.