DOH, pag-aaralan kung kaya pang mapababa ang halaga ng RT-PCR test

Pag-aaralan ng Department of Health kung makakaya panga mapababa ang presyo ng RT-PCR tests sa bansa sa gitna ng mga reklamo sa social media at pagsipa ng mga kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Duque na dati nang nag-implementa ang DOH ng mas mababang testing fee para sa cartridge-based at plate-based RT-PCR testing.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Ayon kay Duque, gagawin nila ito upang mabawasan naman ang problema ng mga tao na namamahalan sa testing.

Noong September 2021, ay inihayag ng DOH na dapat ay nasa P2,450 hanggang P2,800 ang presyo ng RT-PCR testing sa mga pampublikong pasilidad, habang nasa P2,940 hanggang P3,360 naman sa mga pribadong pasilidad.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Dating nasa P3,800 ang presyo ng RT-PCR test sa mga pampublikong pasilidad ang P4,500 hanggang P5,000 sa mga pribadong ospital at laboratoryo.