Mayorya ng mga kolehiyo at unibersidad sa Alert Level 3, magbubukas para sa limited in-person classes sa Feb

Inanunsyo ng Commission on Higher Education na karamihan ng mga unibersidad at kolehiyo sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 ay handa nang magbukas para sa limitadong face-to-face classes sa Pebrero.

Sinabi ni CHED chairperson Prospero De Vera III na nakipagpulong siya sa mahigit 200 higher education institutions na nasa ilalim ng Alert Level 3 para pag-usapan ang in-person classes.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Ipinunto niya na marami sa mga nakausap niya ang pabor na magbukas na sa Pebrero.

Pero sinabi niya na meron ilan paaralan ang hanggang online classes lang muna bago ito lumipat sa limitadong face-to-face classes oras na bumuti ang sitwasyon ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Una nang sinabi ni De Vera na ang January 31 announcement ng CHED para sa opening ng limitadong face-to-face classes ay batayan lamang ng HEIs para sa sarili nitong opening dates.