Tinatayang aabot na sa higit P282Million ang halaga ng compensation na napo-proseso ng Department of Healh para sa mga healthcare workers.
Sa pahayag, sinabi ng kagawaran na ito ang halaga ng tulong na naibigay sa mga frontliners na nagpositibo o ‘di kaya nama’y binaiwan ng buhay dahil sa COVID-19.

Ayon sa DoH, aabot sa 21,800 ang mga nag-claim para sa sickness o death compensation ngayong taon.
Mababatid na kamakailan ay nilagdaan ang batas para sa financial aid na matatanggap ng mga frontliners na mai-infect ng COVID-19.
Aabot sa P15,000 ang makukuhang compensation ng mga healthcare workers na magkakaroon ng mild-to-moderate symptoms ng sakit; habang P100,000 naman para sa mga severe cases.
Makatatanggap naman ng P1Million ang mga mauulila ng mga frontliners sakali mang pumanaw ito sa kanilang trabaho.