PNP HPG muling nag ikot sa terminal upang ipaalala ng pagunod sa health protocols

CAMARINES NORTE- Muling nag ikot kahapon ng umaga ang mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group sa Camambugan Terminal.

Layunin ng pag- iikot na muling ipaalala sa mga driver, operator at pasahero ang mga panuntunan sa Bagong Normal para sa Ligtas na paglalakbay na may kaugnayan pa rin sa oplan SUMVAC 2022.

Kasabay nito ang pamamahagi ng mga infograpic materials kaugnay sa Standard Health Safety Protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kung maalala ay naglabas ng pahayag ang Department of Health Bicol kamakalawa na nanawagan sa lahat na sundin ang health protocols sa harap na rin ng banta ng Omicron sub variant.

Ang Camarines Norte Provincial Health Office naman ay nauna na ring naghayag na isa kanilang pinagtutuunan ng pansin ngayon ay ang posibilidad na makapasok sa lalawigan ang mas nakakahawang variant.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kaya naman puspusan ang kanilang kampanya na mabakunahan ang lahat ng target population.

Sa ngayon ay mababa pa ang porsiento ng mga nakakapagpa booster shot sa lalawigan.

Importante ang pagpapabakuna dahil proteksyon umano ito lalo na ngayong nagmu- mutate ang mga variant.