Surebol na ang silver medal para sa Blacklist SIBOL Team Pilipinas matapos nitong pataubin ang Singapore sa game 3 ng Mobile Legends: Bang Bang event kahapon.
2-1 ang naging resulta ng bakbakan sa ‘Land of the Dawn’

Sa game 1, pinatikim ang Pinas ng talo matapos mamayagpag ang Singapore players na pinangungunahan din ng mga M3 world champions.
Sa kabila nito, umariba naman ang best support at roam sa game 2 ang team captain ng Blacklist na si Johnmar Villaluna o mas kilala sa IGN na ‘OhMyV33nus’.
Ngayong alas-diyes naman ng umaga ang inaabangang finals sa pagitang ng Pilipinas at ng Indonesia para masungkit ang gintong medalya.
Sa ngayon, bahagyang bumaba ang Pilpinas sa 4th spot sa medal tally.
Sa kabuoan, mayroon nang 175 medals ang mga atletang Pinoy – 40 rito ang gold medals; 57 silver; habang 78 naman ang bronze medals.