Nagkukumahog ngayon ang mga opisina ng Department of Health para magcomply sa finding ng COA audit, matapos bigyan ng 60 araw.
Ito’y matapos atasan ni Health Secretary Francisco Duque III at Undersecretary Leopoldo Vega ang DOH offices at units na mag-comply sa rekomendasyon ng COA at madaliin ang pagpapalabas ng special risk allowance (SRA) sa mga health workers.
Kaugnay nito, nanindigan ang ahensya na ang P67.32 billion na una nang nabanggit ng COA sa kanilang 2020 audit report ay ‘accounted for.’
Una nang sinabi ng COA na nakitang nilang may deficiencies sa pondo, dulot ng non-compliance sa batas at regulasyon sa kung papaanu ginamit ng DOH ang naturang pondo para sa laban kontra sa COVID-19 pandemic.
Samantala, sinabi naman ni Vega na Undersecretary for Administration and Financial Management Team, na laging ‘cooperative’ ang kanilang departamento sa yearly audit ng COA.
Sa kabilang dakp, tiniyak naman ng DOH na nakikipag-ugnayan na ang Centers for Health Development sa mga local government units, maging sa public at private hospitals para isimumite ang natitirang listahan ng mga healthcare workers na hindi pa nakakatanggap ng SRA. // MHEL PACIA-TRINIDAD
