Ibinunyag na ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan ang inisyal na listahan ng ng mga senatorial candidates na pupuno sa 2022 elections.
Ang naturang mga kandidato ay mga miyembro ng Gabinete ni Pangulo Rodrigo Duterte at kanyang mga kaalyado.
Ang mga ito ay kinabibilangan nina House Deputy Speaker Rodante Marcoleta; Information and Communications Technology Secretary Gringo Honasan; Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo; Transportation Secretary Arthur Tugade at Public Works and Highways Secretary Mark Villar.
Ayon sa PDP-Laban, ang naturang usapin ay tatalakayin pa sa kanilang gagawing national convention sa September 8 sa San Jose del Monte Convention Center sa San Jose del Monte City, Bulacan. // MHEL PACIA-TRINIDAD
