DOH, nagpaliwanag kaugnay sa pagdating ng ilang mascots ng national candidates sa isang vaccination site

Nilinaw ng Department of Health na ang mga Local Government Units ang nangunguna sa vaccination drives sa kanilang mga nasasakupan.

Ito ay matapos lumutang ang ilang litrato kung saan ay makikita ang mga mascots na may mga pangalan ng 2 national candidates sa isang vaccination site para sa mga bata.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nanatiling apolitical ang gobyerno.

Aniya, kung meron man silang kampanya o sorties, ito ay para gawing komportable lamang ang mga bata at iparamdam sa kanila na sila ay nasa ligtas na environment.

Read More:  Government flags all shipments from Laos after ₱1.36-B shabu seizure

Ipinunto ni Vergeire na sa kaniyang pagkakaalam ay tumutulong ang LGUs sa DOH para magkaroon ng mga nasabing kampanya para sa kabataan.