DOH, muling nagbabala laban sa paggamit ng ivermectin para sa COVID-19

Iginiit ng Department of Health ang babala nito laban sa paggamit ng antiparasitic drug na ivermectin para sa COVID-19.

Ito ay matapos sabihan ng United States Food and Drug Adminsitration (FDA) ang mga Amerikano na ang ivermectin ay gamot para sa mga hayop.

Sa isang briefing ay hinimok ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko na gumamit lamang ng mga gamot na rehistrado sa ilalim ng FDA.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Dito sa Pilipinas, ang Ivermectin ay naaprubahan lamang para sa compassionate use ng piling COVID-19 patients sa ilang mga ospital.

Sa kabila nito ay binigyang diin ni Vergeire na hindi maaring gamitin ang ivermectin para sa COVID-19.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Ipinunto ni Vergeire na base sa mga ebidensya ay walang binibigay na benepisyo ang ivermectin upang maiwasan o mapaikli ang hospitalizaiton, o mapigilan ang paglala ng sakit na dulot ng COVID-19.

Nagbabala rin si Vergeire na meron harmful side effects ang ivermectin ngunit sinabi niya na wala pang adverse events ang naiuulat ang FDA para sa mga tao na nakainom na sa nasabing gamot.