House panel, inaprubahan ang panukala para sa exemption sa buwis ng medical oxygen at iba pang COVID-19 supplies

Inaprubahan ng House ways and means panel ang substitute provisions sa panukala na magbibigay ng tax exemption sa medical oxygen at iba pang medical supplies na ginagamit laban sa COVID-19.

Sinabi ni committee chairman Representative Joey Salceda na meron silang mga ipinasok na probisyon sa panukala na aprubado na ng komite.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Ipinunto ng mambabatas na ang mga isiningit na probisyon sa House Bill No. 8895 ay tugon sa request ni Pangulong Rodrigo Duterte na matanggal ang buwis mula sa medical oxygen supplies.

Mababatid na sa ilalim ng panukala ay magiging exempted sa buwis ang manufacture, importation, sale, at donation ng critical medical supplies at essential goods sa bansa sa panahon ng public health emergencies.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Minamandato rin nito ang Secretary of Health at Secretary of Finance na gumawa ng listahan ng mga supplies na pwedeng mabigyan ng exemption.