Umabot sa 22 tao ang patay habang marami ang missing kasunod ng nangyaring flashflood sa Tennessee state sa Estados Unidos.
Ayon sa mga otoridad, patuloy ngayon ang ginagawa nilang paghahanap sa mga nawawala partikular sa Humphreys county.

Napag-alamang record breaking ang pagbaha na nagsimula noong Sabado kung saan nalubog sa tubig ang mga kalsada na nagresulta sa pagkawala ng linya ng telepono at power supply.
Sinusuyod na din ngayon ng mga rescuers ang mga debris na tumabon sa ilan kabahayan para makita kung mayroong mga na-trapped.
Marami naman sa mga residente ang naghahanap pa rin ng kaanak na nawala habang nasira ang kanilang mga ari-arian.. Nagpahayag ng pakikiramay at pagkalungkot si State Governor Bill Lee sa sinapit ng kanyang mga kababayan