DOH may panibagong hinihinging requirements sa Naga City health office para ma claim ang hinihintay na health emergency allowance ng mga naging frontliners sa kasagsagan ng COVID-19 

NAGA CITY – Meron na namang mga panibagong requirements na hinihingi ang Department of Health Regional Office-5 sa mga health personnel at barangay officials na nagsilbing frontliners sa kasagsagan ng COVID-19 sa Naga City.

Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa natatanggap ng mayoriya ang HEA mula sa taong 2020 hanggang 2021.

Hanggat hindi nakokompleto ang naturang mga requirements ay  hindi maibibigay ang naturang benepisyo na matagal ng hinihintay.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa paliwanag sa media at sa Brigada News FM Naga ni City Administrator Elmer Baldemoro, abala na ngayon ang mga taga City Health Office para sa pag comply katuwang mga mga barangay officials.

May mga clarification pa rin daw kasi na hinihingi ang DOH ayon kay Baldemoro.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ang submission ay kada buwan lamang, kaya kung may kulang pang mga dokumento ay sa susunod na namang buwan maisusumite.

Kaugnay nito, may mga nauna na ring nakatanggap ng halagang tig tatlong libo hanggang anim na libong piso sa mga naging frontliners, sila iyong unang nakapag sumite ng mga papeles bago pa man nailabas ng DOH itong mga karagdagang mga requirements.