PSO Legazpi, gagawan ng paraan ang iligal na pag-park ng mga sasakyan sa itinalagang bike lanes sa lungsod

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Public Safety Office (PSO) Legazpi City na gagawan nila ng paraan ang mga iligal na pagparada ng ilang drivers ng kanilang mga sasakyan sa itinalagang bike lanes sa lunsod.

Kasunod ito ng mga nakakarating na impormasyon at mga larawan na mayroong mga sasakyan ang nagpa-park ng kanilang sasakyan sa nasabing bike lanes partikular sa Rizal Street, Brgy. Cabangan ng kaparehong lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PSO Legazpi Chief Rolly Esguerra, sinabi niya na hindi niya rin sigurado kung pormal nang nai-turnover ang nasabing bike lanes.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aniya, kulang o wala rin kasing mga enforcers na nagbabantay o manghuhuli kaya’t inaakala ng ilan na ayos lang kaya’t patuloy pa rin silang pumaparada ng mga sasakyan kahit sa bike lanes.

Ayon sa kanya, illegal parking pa rin na maituturing ang ginagawang ito sapagkat national road ang kanilang pinaparadahan ng sasakyan.

Nasa disiplina na umano ito ng mga driver sapagkat unang-una hindi naman sila makakuha ng lisensya kung hindi nila alam ang pambansang batas na Republic Act No. 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code kung saan nakasaad ang pagbabawal sa pagpark sa national roads.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Samantala, ang problemang ito ay nakarating na

City Traffic Consultative Council, kaya’t pati ang LTFRB at ang task-force ay gagawa na ng paraan ukol dito. Binigyang-diin ni Esguerra, napakalaking insulto umano sa gobyerno ang pagpaparada ng sasakyan sa bike lanes dahil pinondohan ito ng pamahalaan.