DOH kinontra ang order ng Cebu City LGU pagtanggal ng mask mandate sa mga outdoor areas

Nanindigan ang Department of Health na hindi pa napapanahon para alisin ang mask mandate sa bansa.

Ito ay makaraang i-isyu ni Cebu City Mayor Michael Rama ang isang executive order na kung saan ay boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng mga face masks sa mga outdoor areas; maliban na lamang sa mga ospital, clinics, at iba pang medical facilities.

Tugon dito ni Vergeire, hindi sila kinonsulta ni Rama bago nito inisyu ang order.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Giit nito, hindi raw basta-basta maaaring malabas ng ganitong uri ng order ang isang lugar sa bansa dahil DILG pa rin ang dapat nagppatupad ng mga polisiya sa lahat ng mga LGUs.

Tataas daw kasi ang risk ng infection lalo na kung:  mayroon ngang nakalatag na mga safeguards sa buong bansa – ngunit mayroon namang iisang lugar na hindi susunod dito.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sinabi pa ni Vergeire na ang pagluluwag naman talaga sa mask mandate ang direksyong nais nilang abutin.

Sa ngayon nga lang aniya, sadya pa ring mababa ang wall of immunity ng mga Pilipino, at mayroon pa ring naitatalang mga severe and critical cases.

Samantala, ngayong alas-onse ng umaga ay isa Rama sa mga inaasahang panauhin sa Laging Handa Press Briefing ng Malacañang para matalakay ang kanyang inisyung executive order.