DOH: Kaso ng MPox sa bansa – ‘di pa nadaragdagan

Nananatili sa syam ang bilang ng monkeypox cases sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Health Asec. Albert Domingo, walang nadagdag na bagong kaso ng monkeypox sa bansa ngayong taon.

Anya ang huling kaso ng mpox na na-detect sa Pilipinas ay noon pang December 2023.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Lahat rin anya ng 9 na tinamaan sa bansa ay matagal nang fully recovered.

Paalala ni Domingo, walang gamot kontra monkeypox pero kusa itong gumagaling.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Naililipat ang mpox virus sa pamamagitan ng close physical contact at may incubation period ito na 1-21 days.

Samantala wala naman daw dagdag na process sa bureau of quarantine pero may dagdag lang na tanong at paalala sa mga byahero na nanggagaling at papunta ng Africa.
#