DOH: Ilang kaso ng Delta variant, nagpositibo parin sa COVID-19, matapos makarekober

Inihayag ng Department of Health (DOH) na may ilang kaso ng Delta variant na una nang tinukoy bilang mga recoveries, ang muling nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, siyam na local Delta variant cases at limang returning overseas Filipinos na tinukoy bilang recovered ang isinailalim sa repeat quarantine at COVID-19 test.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Batay sa inisyal na resulta, meron sa mga ito ang nagpositibo pa rin, at mananatiling isolated hanggang sa magnegatibo, sa loob ng 14 na araw.

Read More:  Duterte to skip Nov. 2 ICC status conference

Sa ngayon, sinusuri na nila ang Ct value ng sample na tutukoy kung ito ay eligible para sa genome sequencing.

Paliwanag ni Vergeire, sa ilalim ng updated protocols, ang mga indibidwal na nakarekober matapos magpositibo para sa variant of concern ay sasailalim sa bagong round ng quarantine at COVID-19 testing. // MHEL PACIA-TRINIDAD