Naiulat ng Department of Health ang 5,651 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019, dahilan para sumipa ang kabuoang tally sa 1,513,396.
Ito na ang ikalimang sunod-sunod na araw kung saan mahigit 5,000 kaso ang naitala.
Dahil sa mga bagong kaso, sinabi ng DOH na ang active cases sa bansa ay nasa 47,561 pa, kung saan 91.9% ang mild, 2.9% ang asymptomatic, 2.7% ang severe, at 1.6% ang nasa kritikal na kondisyon.
Samantala, ang kabuoang bilang ng recoveries naman ay tumaas sa 1,439,049, matapos gumaling ang 5,332 pang pasyente mula sa viral disease, habang ang death toll ay umakyat sa 26,786, matapos madagdagan ng 72 na mga bagong fatalities. // MHEL PACIA-TRINIDAD
