Inihayag ng Department of Health na natukoy na nila ang pinanggalingan ng ilang Delta variant infections, gaya ng transmission ng virus mula sa isang overseas Filipino, na umuwi ng bansa, at isa isang infected worker na umuwi sa kanyang pamilya.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ilan sa mga returning overseas Filipinos na may dala ng mas nakakahawang variant ay nakapanghawa sa ibang tao.
Nangyari umano ito sa kabila ng mas pinahigpit na testing at quarantine protocols para sa incoming travelers.
Sinabi rin ng health official na ang workers na nakahawa sa kanyang miyembro ng pamilya ay nagdulot rin ng cluster sa Delta variant cases.
Nabatid na may mga clustering rin ng mga kaso sa Northern Mindanao, kung saan anim ang kumpirmadong kaso ng Delta variant, habang dalawa sa Antique. // MHEL PACIA-TRINIDAD
