DOH, handang humarap sa Senate probe sa milyong dose ng mga bakuna na nasayang

Tiniyak ng Department of Health na handa itong humarap at magpaliwanag sa Senado sa oras na ipatawag dahil sa imbestigasyon ng mga nasayang na bakuna.

Kahapon nang ihain ni Senadora Risa Hontiveros ang isang panukala na layong imbestigahan ang umano’y ‘overprocurement’ ng mga bakuna kontra COVID-19 para amtukoy kung sino ang mayroong pananagutan sa mga nag-expire na dose nito.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, wala umanong ‘oversupply’ sa bakuna na binili ‘o ‘di kaya’y di-nonate sa Pilipinas.

Paliwanag nito, binilan ang populasyon ng mga Pilipino ng bakuna.

Ibig-sabihin, sapat lang ang suplay ng bakuna para sa eligible population kaya hindi naman ito labis-labis.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Sadya lang daw talagang mayroon pa ring hesitancy sa mga nagpapabakuna at ang ilan naman ay hindi pumunta sa kanilang schedule para magpaturok.

Sa huli, muling umapela si Vergeire sa publiko na magpabakuna na.

Maliban sa libre naman ito at walang babayaran, mapatataas pa ang proteksyon laban sa nakahahawang virus, mas mapadadali ang pagbabalik sa normal, at wala nang masasayang pang bakuna.
#