‘Unahin ang kapakanan ng mga mahihirap lalo na ang mga nakakatanda’
Ito ang idiniin ni Senador Bong Go sa gitna ng pagka-lapse into law ng batas na layong taasan ang buwanang pensyon ng mga indigent senior citizens mula P500 sa P1,000.
Sa pahayag, sinabi ng senador na malaki ang maitutulong nito lalo na’t malubhang tinamaan ng pandemya ay ang sektor ng mga senior.
Sinabi pa ni Go na malapit umano sa puso nila ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang mga senior citizens kaya batid umano nila ang kahalagahan na mabigyan sila ng suporta at atensyon.
Makaaasa aniya ang publiko na palagi nilang uunahin ang kapakanan ng mga nakatatanda at susuportahan nila ang mga programa para rito.
Kaugnay nito, hinikayat din ni Go ang national at local authorities na paigtingin ang vaccination efforts sa mga nakatatanda at kung maaari ay bakunahn ang mga ito sa sarili nilang mga tahanan.
Sa ganitong paraaan umano ay mas mapo-proteksyunan ang mga senior citizens laban sa banta ng COVID-19 lalo na’t sila ang pinaka-vulnerable sa infection nito.
#