DOH, di nagawa ang mga oportunidad para mapaganda ang healthcare system-COA

Dahil umano sa deficiencies sa paggamit ng Department of Health (DOH) sa P67.32 bilyong COVID-19 fund, di nito nagawa ang ilang mga oportunidad para mapaganda ang healthcare system ng bansa sa gitna ng national emergency.

Sa congressional hearing, sinabi ni Commission on Audit (COA) Supervising Auditor Rhodora Ugay na marami sanang nagawa ang DOH sa mga pondo na ibinigay sa kanila para sa COVID-19 response. 

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ayon kay Ugay, nagamit sana ang unobligated fund na P11.89 bilyon para sa pagbili ng mga ambulansya, medical equipment at supplies, at personal protective equipment. 

Aniya, di maliit ang P11.89 bilyon at malaki ang maitutulong nito sa maayos na paghahatid ng healthcare services. 

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Mababatid na sa kanilang 2020 report, pinuna ng state auditors ang iba’t-ibang deficiencies, kasama na ang transfer ng P42.41 billion sa partner agencies nang walang memorandum of agreement at iba pang supporting documents, at ang P11.89 bilyong unobligated allotments. 

Nanindigan naman ang DOH na naresolba na ang karamihan sa mga major findings sa COA report.