‘Anti-Taray Bill’ sa mga government workers, isinulong sa Senado

Ipinanukala ngayon ni Senator Raffy Tulfo na mapatawan ng parusa ang mga matataray na government workers na hindi ginagampanan ng tama ang kanilang mga trabaho.

Batay sa senate resolution no. 554 na inihain ng mambabatas, pwedeng mabigyan ng mas mabigat na parusa ang mga mga bastos na kawani ng gobyerno.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Paliwanag ni Tulfo madalas niyang naririnig na reklamo mula sa taumbayan, na sila ay tinarayan, pinahiya, binastos, sinigawan at di tinulungan sa isang tanggapan ng pamahalaan.

Binigyan-diin ng mambabatas na ang mga taong-gobyerno ay dapat magalang, mahaba ang pasensya at maunawain sa pagbibigay ng serbisyo publiko.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Kapag maging ganap na batas ang Anti-Taray Bill, posibleng mauwi sa pagkakasibak sa serbisyo at perpetual disqualification from public office ang mga bastos at tamad na government workers.