1 batang babae, patay matapos mabangga ng isang driver na nagpa-practice magmaneho

Patay ang isang 12-anyos na batang babae, habang dalawa ang sugatan matapos masagasaan ng mini van sa kahabaan ng westbound ng Solis corner 19 de Junio ​​Streets, Gagalangin, Tondo Manila noong Sabado.

Ayon sa Manila Police District (MPD), ang suspek ay ‘di umano’y nagpa-practice driving nang mangyari ang insidente.

Batay sa ulat ng pulisya, nakatayo ang mga biktima sa harap ng sasakyan ng suspek nang biglang umabante ang suspek na bumangga sa kanila, sa isang tricycle, at isang gate ng bahay.

Dinala na ang suspek sa kustodiya ng MPD para sa karagdagang imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *