12 taong pagtatago ng mag-aamang suspek, nahuli na ng Legazpi CPS; isang provincial most wanted person, tiklo sa lungsod ng ligao

LEGAZPI CITY – Arestado ng Legazpi City Police Station (CPS) ang mag-aamang 12 taon nang nagtatago dahil sa kasong pagpatay.

Batay sa report ang mga ito ay sangkot sa pananaksak sa kanilang kapitbahay noong taong 2012 sa Barangay Dapdap lungsod ng Legazpi.

Kinilala ang mga akusado na sina alyas Den, Dan, Jr, at Mark na parehong residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Legazpi City Acting Chief of Police PLTCoL Ray Anthony Villanueva, maraming nagbigay ng impormasyon tungkol sa lugar na pinagtataguan ng mga wanted person sa kanilang tinutuluyang lugar sa Region 4A. Dahil dito, agad na nagsagawa ng operasyon ang nasabing pulisya upang mahuli ang mga akusado.

Samantala, ng parehong pulsiya ang isa pang Provincial Most Wanted Person na kinilalang si alyas Marco matapos mapatay nito ang kaniyang ka-live in Partner sa isang hotel sa Bacoor Cavite.

Matapos umano ang nasabing insidente, tumakas ang suspek patungo ng Ligao City sa Albay, upang magtago. Sa isinagawang follow-up investigation ng mga awtoridad, natagpuan ang kinaroroonan ng suspek sa Barangay Palapas ng nasabing lungsod.

Dahil dito ay agad na isinagawa ang operasyon upang mahuli ang suspek. Mabilis naman itong nahuli ng mga operatiba. Napag-alaman na selos ang naging dahilan ng pagpatay ng nasabing suspek sa kaniyang live in partner.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *