LEGAZPI CITY – Humiling ang Department of Health (DOH) sa Department of Education (DepEd) na magkaroon ng mga silid-aralan na maaaring maging pansamantalang isolation room ng mga evacuees ng Bulkang Mayon na mayroong sakit.
Ito ay bunsod ng dumaraming mga kaso ng mga nagkakasakit sa ilang evacuation centers sa Albay, kaya’t napagdesisyonan ng ahensya na magkaroon ng intensive meeting kasama ang Office of the Civil Defense (OCD) ngayong Lunes.
Ayon kay DOH Bicol Regional Director Ernie Vera, batay sa kanilang datos, 36 sa mga evacuees ang nakakaramdam ng sakit ng ulo at mayroong respiratory infection, 65 naman ang may ubo at sipon, at 57 naman ang may mga lagnat.