Mahigit 45,000 FFPs at non-food items, naipamahagi na ng DSWD sa mga evacuees

LEGAZPI CITY – Umabot na sa mahigit 45,000 family food packs (FFPs) at mga non-food items ang ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga evacuees ng Mayon Volcano 2023 eruption.

Ayon kay DSWD Bicol Regional Director Norman Laurio, halos naibigay na ng DSWD ang FFPs at non-food items sa nasabing pasilidad.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Tinatayang mahigit PHP7.4M ang cash assistance na naipamahagi mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa mga naapektuhang pamilya.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang ahensya sa pamamahagi ng FFPs, NFIs, at cash assistance sa mga evacuees.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Tiwala naman si Laurio sa naging pahayag ni Sec. Rex Gatchalian na sapat ang kanilang FFPs at NFIs dahil ito na ang pinakamalaking stockpile ngayon ng ahensya kaugnay ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon kumpara sa mga nakaraang taon.