Nagtala ang Pilipinas ng 5,795 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para lomobo pa ang total case count sa 1,418,337.
Ayon sa Department of Health, mula sa kabuoang bilang 3.6% o 51,567 pa ang active cases, kung saan 91% dito ang mayroong mild symptoms, 3.8% ang walang sintomas, 2.1% ang mayroong severe symptoms, 1.56% ang nasa moderate condition at 1.5% ang nasa kritikal na kondisyon.
Sa gitna nito, naitala naman ng DOH ang 135 pang binawian ng buhay dahil sa naturang sakit, dahilan para tumaas ang death toll sa 24,797 o 1.75% ng COVID-19 tally.
Ito ang ikatlong araw ngayong linggo na naitala ang mahigit isang daang fatalities.
Samantala, ang recovery count ay umakyat na sa 1,341,973 o 94.6% ng case total, matapos na gumaling mula sa respiratory disease ang 2,859 pang pasyente. // MHEL PACIA-TRINIDAD