Bulkang Taal sumabog; Alert Level 3, itinaas

Isinailalim ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang Bulkang Taal Volcano sa Alert Level 3, kasunod ng pagsabog na nagdulot ng mataas na kilometer-high phreatomagmatic plume, kaninang alas 3:16 ng hapon (Huwebes).

Ayon sa PHIVOLCS, ang main crater ay na-generate ng short-lived 1 kilometer-high phreatomagmatic plume, bagama’t wala naman kasamang lindol.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Dagdag ng ahensya, ang phreatomagmatic eruption ay nagtagal ng limang minuto.

Ayon kay PHIVOLCS director Renato Solidum, sa ilalim ng Alert Level 3, nangangahulugan na ang bulkan ay nagpapakita ng “magmatic unrest”.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Pinalikas naman ng PHIVOLCS ang mga residente ng Taal Volcano Island at high-risk barangays gaya ng Agoncillo at Laurel dahil sa panganib ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami.

Pinapayuhan ng ahensya ng mga kumunidad sa palibot ng Taal na gumawa ng precautionary measures at manatiling vigilant para sa posibleng lakewater disturbances. // MHEL PACIA-TRINIDAD