DOF, tiniyak na mayroong kompromiso para sa planong dagdag-buwis sa mga sweetened beverages

Dinepensahan ni Finance Sec. Benjamin Diokno ang ipinapanukala nilang pagdaragdag ng hanggang sa P12 na buwis sa mga sweetened beverages.

Ito ay makaraang mabatikos ang kanilang proposal sa pangambang lalo lang sumipa ang presyo ng mga sweetened drinks sa merkado at magkaroon ng mataas na inflationary impact.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Ayon sa Kalihim, maaari silang magkaroon ng kompromiso para rito.

Sabi ni Diokno, sakali mang maipatupad ang dagdag-buwis, maaari naman daw mapayagan ang mga manufacturer ng sweetened beverages na mag-import ng sarili nilang sugar supply.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Sa kabila niyna, kinakailangan pa rin umanong isabatas ang direct sugar importation ng mga manufacturers. (JC Javier)