DOF tiniyak na may pondo para sa Build, Build, Build Program ng Marcos Admin

Tiniyak ng Department of Finance na mayroong mapagkukunan ng pondo para sa build, build, build program ng Marcos Administration.

Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na maaaring kunin mula sa Growth Domestic Product o GDP ang pondo para sa mga infrastructure program ng kasalukuyang gobyerno.

Read More:  DTI expands areas under 60-Day Price Freeze amid Habagat, Typhoon Impact

Paliwanag ni Diokno kukuha sila ng 6% mula sa GDP para sa Build, Build, Build sa pagitan ng 2023 hanggang 2028 na siyang huling taon ng Marcos Administration.

Sinabi ng kalihim na kung ikukumpara ang government spending sa infrastructure 50 taon bago ang Duterte Administration ay lumalabas na nasa 2 percent lamang ang nailaan sa imprastraktura.

Read More:  Bong Go urges youth to spend more time in sports, less on social media

Inilahad naman ni Diokno na binabalangkas na ngayong taon ang budget para masimulan ang Build, Build, Build ng BBM Administration sa taong 2023.