LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) Bicol na mayroong pagtaas ng turista sa Bicol Region nitong unang quarter sa taon 2022.
Ayon kay Siegfred Nebres, Tourism Officer II ng nasabing tanggapan, 5% ang itinaas ng pagdagsa ng mga turista sa rehiyon.
Ito ay base sa record ng mga Local Government Unit (LGU’s) sa rehiyon.
Aniya, ang mga napapayagan na pumasok na turista ang inaabisuhan na sundin pa rin ang ipinatutupad na minimun health standard protocols.
Ang mga dayuhan ay dapat bakunado na kontra sa nakakahawang sakit.
Ayon pa sa tanggapan, kasama sa mga dinarayong lugar ay ang mga beach, hotel and restaurant sa buong rehiyon kung kaya mahigpit na pinapatupad ang health protocols.
Umaasa ngayon ang opisyal, na tataas pa ang bilang ng mga turista sa rehiyon ngayon 2nd quarter dahil sa dinagsa ito ng mga dayuhan.
Sa ngayon, ang 2nd quarter ay kasalukuyang nagsasagawa pa rin ng validation sa mga LGU’s upang malaman kung nagkaroong ng increase sa turista.