Portfolio validation assessment phase 3 ng ALS sa Bicol, nagpapatuloy

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Alternatve Learning System ng Department of Education (DEPED) Bicol na nagsasagawa hanggang sa ngayon ng portfolio validation assestment sa mga naging myembro ng Als.

Ayon kay Rick Tejeresas, ang Regional Spokesperson ng ALS, nasa phase 4 na ang ginagawang validation assestment para malaman kung ilan ang naging qualified sa Als sa bawat probinsya o bayan.

Read More:  Antique vlogger dies after alleged electric shock from videoke microphone

Aniya, sa mga naunang phase 1 hanggang phase 4 ay umabot na sa mahigit sa kabuuhang 11K na learners sa hanay ng secondarya habang ang nasa elementary level ay umabot din sa mahigit kumulang sa 1K.

Masasabi na rin na mayroong nakikitang indikasyon na pagtaas ang pumapasa sa Alternative Learning System.

Read More:  10 dead in Malapatan, Sarangani landslide; two families buried

Maaari lamang na maging qualified sa nasabing programa ay mayroong kapansanan, naghihirap at persons deprived of liberty.

Layunin nito na matulungan ang mga kabataan o out of school youth na magkaroon ng patuloy na pag-aaral at matapos ang basic education.