77% ng mga Pilipino mas nakikisalamuha online kaysa sa totoong buhay

Pitompu’t pitong porsyento ng populasyon ng bansa ang mas nakikisalamuha umano sa online kaysa sa totoong buhay.

Dahil sa COVID-19 pandemic kung saan naging mas mahigpit ang ang mga aktibidad sa nakalipas na dalawang taon, nagsimula umano ang karamihan sa pakikipag-usap online.

Ito ang natuklasan sa pag-aaral ng Telenor Asia, isang international telecommunications company kung saan 8,000 na mga consumers sa walaong markets sa South at Southeast Asia ang sinurvey.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Batay sa resulta ng kanilang pag-aaral, ang pakikisalamuha online ay nagpapalakas ng koneksyon sa pagitan ng mga tao kung saan 66 percent ng mga sumagot ay mas nakikibahagi sa online kaysa sa totoong buhay.

Ang mga Filipino consumers ay ang “most virtually social” sa 77 percent. Sumunod ay ang mga respondents mula sa Indonesia (75 percent), Bangladesh (74 percent), Vietnam (71 percent), Pakistan (66 percent), Malaysia (60 percent) at Thailand (56 percent).

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Pagdating sa mga respondents na nagsasabi na regular silang nakakakilala ng mga bagong tao online, ang Thailand ang nangunguna sa listahan na may 66 percent habang ang Pilipinas ay pangalawa sa huli na may 39 percent.//CA