DICT, NTC makikipagpulong sa mga telcos re: emergency alert use

Makikipagpulong ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at ang National Telecommunications Commission (NTC) sa mga telecommunications firms para makabuo ng mga guidelines kaugnay sa pag-gamit ng emergency cell broadcast system.

Ang pahayaga ni DICT Sec. Ivan John Uy, ay matapos na umani ng batikos ang mga telco noong weekend dahil sa pagpapadala ng emergency alerts na nagpapaalala sa mga users na magparehistro ng kanilang SIMs bago ang orihinal na April 26 deadline.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization
Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Mababatid na naglabas ang Globe Telecom ng alerto na tinukoy bilang “extreme,” kung saan nagdulot ito ng unnecessary panic sa mga netizens.

Kaugnay nito, inilarawan ni Uy ang naturang hakbang bilang “unorthodox” pero idinagdag na ang “desperate times call ay para sa desperate measures.” //MHEL PACIA-TRINIDAD