Galvez, umaasang magkakaroon ng maayos na relasyon kay Año

Umaasa ang Department of National Defense na magkakaroon ng magandang relasyon kay bagong National Security Adviser na si Eduardo Año.

Sa isang pahayag kahapon , sinabi ni DND Secretary Carlito Galvez Jr. na naniniwala siyang magbibigay ng kaalaman si Año para matugunan ang iba’t ibang security concerns sa bansa.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes

Nanumpa sina Galvez at Año sa kanilang panunungkulan sa harap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Palasyo ng Malacañang noong Biyernes at Sabado.

Nagpapasalamat din si Galvez kay dating NSA Secretary Clarita Carlos sa kanyang serbisyo sa Executive Branch. Si Carlos ay may bagong tungkulin sa Congressional Policy and Budget Research Department sa House of Representatives.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Samantala, tiniyak naman ni Año na gagawin niya ang makakaya para makapag-ambag sa proteksiyon ng mga mamamayan, soberanya at teritoryo ng bansa.//CA