99.54% ng mga pampublikong paaralan sa bansa nagpapatupad ng 5 araw na in-person classes

Iniulat ng Department of Education na nasa 99.54% ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang nagpapatupad ng  5 araw na in-person classes.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, ang pagsasagawa ng full face-to-face classes partikular sa mga pampublikong paaralan ay nananatiling patakaran ng DepEd sa gitna ng mga concerns tungkol sa mga bagong Covid-19 subvariants.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Inatasan ng DepEd ang lahat ng paaralang nag-aalok ng basic education na bumalik sa full face-to-face person classes simula November 2, 2022 maliban sa mga pribadong paaralan at ilang pampublikong paaralan na may “exceptional” circumstances.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Lumabas sa datos ng DepEd na mayroong 47,612 pampublikong paaralan sa buong bansa noong School Year (SY) 2021-2022.