Umano’y mga armas ng mga rebelde, narekober sa Tboli

KORONADAL CITY — NAREKOBER ng mga otoridad ang mga matataas na kalibre ng baril na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng mga rebelde sa Sitio Desikit, Barangay Laconon, Tboli, South Cotabato.

Ayon kay Lieutenant Colonel Zandro Alvez, Battalion Commander ng 5th Special Forces Battalion, kabilang sa mga narekober ng mga otoridad ang isang rifle 5.56mm, isang M16A1 at isang caliber .38 revolver.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Dagdag pa ni Alvez, na natagpuan nila ang nasabing mga armas base sa tip ng isang miyembro ng Guerilla Front MUSA ng rebeldeng New People’s Army o NPA na nagbalik loob na sa gobyerno.
Sa ngayon nagpapatuloy ang operasyon ng mga oatoridad sa bulubundiking bahagi ng bayan upang mapigilan ang posibleng pag-atake ng rebeldeng grupo.

Read More:  12 youths hospitalized in Koronadal after eating poisonous tuba-tuba fruit