Iniulat ng Department of Trade and Industry (DTI) na kabilang ang ilang brand ng sardinas, instant noodles at gatas sa mga inaprubahan o pinayagan nilang produkto na magtaas ng presyo.
Sa isang panayam, sinabi ni DTI Usec. Atty. Ruth Castelo na sa mga nag-apply sa kanila na mga manufacturer para magtaas ng presyo, nasa 30 percent lamang ang kanilang inaprubahan mula sa 218 shelf keeping units.
Inihayag niya na mas maraming manufacturers pa rin ang hindi napabigyan sa kanilang request kaysa sa napagbigyan na magtaas ng presyo.
Kaugnay nito, siniguro naman ni Atty. Castelo sa mga consumers na pababagalin pa nila o i-mi-minimize ang pagtaas ng presyo ng mga produkto.
Ipinaalala naman ni Castelo sa mga pamilihan na dapat matiyak na tama ang makikita na presyo ng mga consumers sa price tag ng produkto lalo na aniya ngayong maraming nagtitipid.
#