DMW, naghahanap na ng job opportunites para sa pamilya ng mga nasawing OFW sa Israel-Hamas war

Naghahanap ngayon ng employment opportunities ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa dalawang kapatid ng overseas Filipino worker (OFW) na napatay sa gitna ng nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Sa pagdinig ng Committee on Overseas Workers Affairs, sinabi ni DMW Officer-in-charge Hans Leo Cacdac na kasalukuyan nilang tinutulungan ang naturang magkapatid na taga-Binmaley, Pangasinan.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Kaugnay niyan ay ino-oversee na ang DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Labor and Employment (DOLE) ang assistance na ibibigay sa pamilya ng apat na OFWs na nasawi sa Israel-Hamas war.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ayon kay Cacdac, inutusan na sila ng pangulo na gawin ang lahat para matulungan ang mga nanumbalik, maging ang mga pamilyang naiwan ng naturang mga indibidwal.

Sa kasalukuyan, 746 na pamilya na ang humingi ng tulong hinggil sa status ng mga Pilipino sa lugar na nasa area ng kaguluhan.