Tolentino, binalaan ang FDA na maaaring kasuhan ito kaugnay sa ASF vax

Binigyang-diin ni Senate Committee on Justice and Human Rights Chairperson, Senator Francis Tolentino na maaring kumaharap sa ilang kaso tulad ng negligence o kapabayaan ang Food and Drug Administration (FDA).

Ito ay matapos nitong ipasa ang kanilang responsibilidad sa Bureau of Animal Industry (BAI) sa pagsasagawa ng field trial o clinical trial sa mga bakuna kontra African Swine Fever (ASF).

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ayon kay Tolentino, hindi dapat ipinasa ng FDA sa pribadong sektor ang trabaho nito lalo na’t ito rin ang mismong nag-import ng nasabing bakuna mula Vietnam.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Samantala, kinwestyon din sa Senado ang naging importasyon ng maraming doses ng bakuna na siyang gagamitin lang naman sa clinical trial.