DMW, mino-monitor ang panibagong pag-atake ng Houthi sa isang commercial ship

Isang commercial ship na naman may lulan ng mga marino ang inatake ng mga rebeldeng Houthi sa pamamagitan ng paggamit ng mga drone.

Tiniyak ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na ligtas ang lahat ng mga seafarers at sila ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga pamilya.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Bukod pa rito, patuloy ring konektado ang koneksyon ng ahensya sa mga Pilipinong lumalayag sa pamamagitan ng lisensyadong manning agency.

Tumanggi si Cacdac na magbigay ng karagdagang detalye.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Maalalang inatake rin ng mga rebeldeng Houthi ang MV Tutor ng double missiles noong Hunyo 12, sakay ang 22 Filipino seafarer.

Bagama’t nasagip ang 21 seafarers, isang tripulante pa rin ang nananatiling nawawala.