Batangas City –
Ibinida at ipinamalas ng mga Laureleño ang kanilang mga sariling recipe sa pagluluto ng tilapia sa ginanap na 2nd Tilapia Cook fest 2024.
Ito ay isinagawa kasabay ng paggunita sa ika-limampu’t limang taon ng pagkakatatag ng bayan ng Laurel, Batangas.
Bumida sa panlasa ng mga judge’s ng naturang patimpalak ang recipe ni Tito Vic kasama ang kaniyang assistant na si Diosdado Balani na ‘Tilapia California Maki’.
Samantala, patuloy namang ipinagmamalaki ng lokal na pamahalaan ng Laurel ang kanilang mga produktong tilapia kasabay ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga local chefs na ipamalas ang talento pagdating sa pagluluto ng pangunahing produkto ng kanilang bayan.