BNFM Bicol—AABOT sa 8,142,764.73. ang kabuoang halaga ng ipinagbabawal na gamot ang nakumpiska ng Philippine National Police o PNP Bicol sa loob ng isang buwang operasyon nitong Mayo.
Kasama rito ang pagkakaaresto ng 122 indibidwal na kung saan sangkot sa pagagamit ng ilegal na droga mula sa iba’t ibang mga lalawigan sa Bicol.
Sa datos na kanilang inilabas, ang mga naaresto ay binubuo ng 12 na High-Value Individuals (HVI) at 31 na Street-Level Individuals (SLI) 76 dito ay kabilang sa mga bagong listahan ng SLI habang 2 naman ang sa HVI.
Dahil dito patuloy ang panawagan ng PNP Bicol sa publiko kasabay ng pagsasagawa ng kani-kanilang mga programa kagaya ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) saan man panig ng rehiyon para sa katahimikan at kaayusan. ### KENNETH BERMIL