Matitikman na sa Barangay Culiat sa Quezon City ang mga viral na putahe ni Diwata.
Hindi lamang pares overload ang mabibili sa QC branch kundi pati na rin ang mga bago nitong produkto tulad ng Diwata’s Spagiti, Family Siken, Sokoleyt, at Hotdog Overload.
Matatandaang naging sikat si Diwata dahil sa pares overload niyang may unli sabaw, unli rice at may libre pang soft drink sa halagang P100.