Malaki ang posibilidad na mahirapan ang DITO Telecommunity Corp. na matugunan ang nalalabi nitong rollout sa pamahalaan sa 2024.
Ito ay dahil sa mahinang demand mula sa institutional investors nito.
Ayon sa industry sources, may ‘pressure’ ngayon sa DITO CME na makakuha ng karagdagang pondo para sa DITO Telecommunity sa lalong madaling panahon.

Dahil sa kawalan ng kumpiyansa ng mga investor, ang P8 billion stock rights offering (SRO) ng DITO CME Holdings Corp, ang majority stockholder ng DITO Telecommunity, ay kinansela, dahilan para humingi ng tulong ang DITO CME sa foreign lenders.
Ang pagkansela sa P8-billion SRO ay nagdulot ng pagdududa sa naging pahayag ng DITO Telecommunity na kaya nitong ibigay sa publiko ang uri ng serbisyong hindi naipagkaloob ng Globe Telecom at PLDT Inc.
Sa kasalukuyan, ang DITO ay mayroon nang limang milyong subscribers at target nitong mapalobo ito sa 12 million ngayong taon sa pagtatayo ng mga karagdagang cell sites sa mga bagong lokasyon.
Hanggang December 2021, ang telecom company ay nakapaglatag na ng serbisyo sa mahigit 500 lugar sa buong bansa.
Nakapaglatag din ito ng mahigit sa 22,000 kilometers ng fiber cable at nagtayo ng mahigit 4,100 towers.