ADB aprubado ang $2-M grant para sa humanitarian program sa mga biktima ng bagyong Odette

Inaprubahan ng Asian Development Bank ang $2 million grant para pondohan ang humanitarian program sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao na sinalanta ng bagyong Odette.

Ang grant sa ilalim ng Asia Pacific Disaster Response Fund ay inilalaan upang magbigay ng humanitarian assistance sa humigit-kumulang 15,000 pamilya o katumbas nang 75,000 katao sa Visayas at Mindanao.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ayon kay ADB Director General for Southeast Asia Ramesh Subramaniam, ang pinsala ng Bagyong Odette sa pabahay, agrikultura, at imprastraktura sa gitna ng pandemya ng COVID-19 ay nagpahirap sa buhay ng mga Pilipino sa mga apektadong lugar.

Dagdag pa ni Subramaniam malaking tulong ang pondo para tustusan ang humanitarian needs ng mga biktima ng kalamidad lalong-lalo na sa mga remote areas.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Magugunitang ang bagyong Odette, na nanalasa sa bansa noong Disyembre, ang pinakamalakas na bagyo noong 2021 at nagdulot ng hanggang P6 bilyon na pinsala sa agrikultura, nagwasak ang humigit-kumulang 500,000 mga kabahayan at kumitil ng 400 na buhay.