SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon na sa mismong araw ng Undas sa Lunes, Nobyembre 1, 2021 ay matitikman na ang mga lutuin at mga pagkain ng 25 food vendors na nadisplaced sa loob ng halos dalawang taon matapos isailalim sa renovation ang buong capitol compound.
Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM-Sorsogon, sumalang rin sa ilang araw na mga pagsasanay ang mga nasabing vendors upang mas mapabuti ang ititinda nilang pagkain hindi lamang para sa mga empleyado ng Kapitolyo kundi sa lahat ng mapapadaan sa Capitol Park.
Ang mga food stalls na mas pinaganda at inilagay sa mismong children’s play ground ay bukas mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng gabi.
Patuloy ang panawagan ng Provincial Government sa publiko na tangkilikin ang mga lokal na negosyo ng lalawigan.
